Wednesday, March 14, 2012

Angry Bird - galit ka ba?




" Angry words leaves a scar in the hearts of people. Even if you’re forgiven, that scar remains for a long time.”



Kadalasan.. kapag galit ang isang tao, nakakapag-bitiw tayo ng mga salitang hindi kaaya-aya sa pandinig, mga salitang masasakit na puwedeng ika-durog ( parang BOPIS ) ng puso , atay, balun-balunan pati make-up kit ng mga taong kinagalitan mo. Aminin mo,ninais mo silang isumpa gamit ang magic wand ni Harry Potter, lalung-lalo na yung nakapagpataas ng blood pressure mo, mula sa 120/80 naging 160/100,salamat na lang sa mga anti-hypertensive drugs ;))

Bakit nga ba nagagalit ang isang tao?..


- dahil ba hindi nasunod ang gusto mo? " bakit munggo flavor yung ice cream na binili mo,ang sabe ko ampalaya flavor! Ampalaya!

- mag-hapon kang nag DOTA sa net shop at inabutan mong walang ulam sa bahay nyo -may pinatago? pensyonado kuya?

- nag-away kayo ng jowa mo dahil hindi ka niya nabati ng monthsary nyong kinsenas katapusan - sahod.

- nalaman mong lalaki pala ang iyong ka-textmate sa halip na babae..kumusta naman yung pasaload mo sa kanya;))


 - nagalit ka sa tsismosa niyong kapit-bahay dahil ipinagkalat nyang malakas-makasapak ang hininga mo..( pabili nga ng colgate yung close-up )

- oh dahil may buwanang dalaw ka lang kaya sadyang natural lang na mainit ang ulo mo kaya galit ka, hormonal imbalance.

IBat-ibang dahilan.. mababaw man o malalim my mga bagay talagang hndi maiiwasan na tataas ang boiling pt mo.Magagalit ka.Huhugot ka sa baul ng mga pamatay na banat,manggigigil ka at hihilingin mong sana kulay pula na lang lahat ng damit nya, para kundi man sya tamaan ng kidlat sa gabi, masuwag man lang sya ng toro sa umaga.

Nagalit ka.Nag init ka.Napaso ka, ang daming mong magic-sarap na salitang ibinudbod.At eto ang mga TIPS  na paka-iiwasan pag-galit ka :


- iwasan dumikit sa mga babasaging gamit lalo na sa mga figurine my pakpak,baka mapalipad mo ito at mabawasan ang koleksyon ng nanay mo.


- iwasan mgpost ng hate status sa fb, cool ka lang..my mga taong natutuwa  pag BADTRIP ka..ikaw din baka mag-paPARTY yan ;))



- huwag mag-mumura sa loob ng bahay ,baka magaya ng pamangkin mong nagsisimula pa lang bumigkas ng salita.Ikaw din pag natuto yan, baka mapakaen ka ng kropek sa sobrang lutong.


- kung magmumura. lumabas ng bahay. Humanap ng mas bata sa'yo, gawing shock absorber, siguraduhing walang makakakita, dahil pag nagkataon , busog ka sa mura ng magulang nyan, at siguradong mawawala ang galit mo pag napa-barangay ka.

- iwasan ang mag-amok, pagtitig/ panlilisik ng mga mata sa mga kasama sa bahay..malas mo lang mapagkamalang sinasapian at sigurado akong Hindi mo gugustuhing maitali at maipitan ng palito ng posporo sa iyong talampakan masakit yon.


Mga dapat gawin pag nagagalit ;')


- Kumuha ng salamin.manalamin.sambitin ang mga katagang :


" Maganda/Gwapo ako, sabi ng nanay ko" - ulit-ulitin.tumigil lang sa pagsambit kapag basag na ang salamin.




- Dahil summer ngayon.wag isabay ang init ng ulo sa panahon.Bumili ng halo-halo sa labas,Gamit ang ngipin , mag-volunteer sa pagkaskas ng yelo..nakatulong ka na, tumalas pa ngipin mo.

- kung Galit ka. Huwag magpadalos-dalos sa mga sasabihin at para maiwasan makapanakit. Mag-kulong sa kwarto. Umarteng kidnap victim. Mag-lagay ng packaging tape sa bibig, magpatulong sa nakababatang kapatid itali ang mga kamay. Lumabas lang ng kwarto pag kakain na.


- manuod ng mga nakakatawang palabas.Isalang ang mga pelikula ni vice ganda, tumawa ng parang walang bukas, pag di nakutento sa tawa,humalakhak gang sa magising ang natutulog mong kapitbahay.

- at pinakahuli MATULOG KA,siguraduhin mong mapapanaginipan mo siya,isakatuparan ang masasamang hangarin, nag-enjoy ka na sa panaginip, nagka-muta ka pa.


     ..Malilimutan ng tao ang mga eksaktong salitang sinabi mo, pero kung paano mo ito ipinadama sa kanya..Maniwala ka sa akin nakatatak na iyon sa kanyang kaisipan.Ngayon kung ang itatanong mo eh kung gaano kalalim ang dagat, maghagis ka ng Angry birds, pag hanggang dibdib niya lang iyon..mababaw lang ang dagat ;)) anu daw?!


Friday, March 9, 2012

Ang " BURGER " na hindi ko nakaen ;)





..where na you? dito na me. -nakikiuso lang ;')

April 6, 2011


Ito yung araw na una ko siyang nasilayan. Galing akong work nun. Gusto ko man shomambleng o kumembot makauwi lang kaagad sa bahay nang makapag-ayos.Hindi pwede.Hindi naman kasi ako si Sailor moon para makapag-transform sa daan basta-basta.. ;')


8pm ang napagkasunduang oras. Sa bandang bf homes kung nasaan si jollibee, doon ang tagpuan..bida kasi tayo ;')


Ninerbyos ako, buti na lang di ako kinabahan.Thank you lord.;') 


Pak! Late ang mokong, nauna ako, 30 mins waley pa..After 48 years..my limousine huminto sa harap ko, pak tatlong gulong ;')


Ang G.W.A.P.O nya! ( sa paningin ko! ), my dala-dalang bulaklak, MCDO fries- gusto ko lang naman mcdo fries eh(di na natakot kay jollibee ) pero utang na loob pati YEARBOOK dala ? ( shet! ilag na ilag ako sa picture ko dun,brushed-up?! haha..






Batchmate pala kame nung Highschool. Sa apat na taon na iyon wala man lang pagkakataon na nakilala namen ang isat-isa.Inisip ko na lang, sports para sa amin ang larong tagu-taguan..hanapin mo ako at pakihabol na din? ;'))


Pero may mga pagkakataon at maaaring :


..nagkabanggaan na kame ng ingrown sa paa papasok at palabas ng P.N.H.S ;')


..pwede ring nakasabay ko na siya sa jeep at siya ung mokong na mahilig mag-123 sa pamasahe, hindi ka na lang sumabit,tinde lang.. haha


..oh kaya siya yung dugyot na estudyanteng ang tigas ng mukha mag-cut ng class,batas? ;')


..pwede ding nakasabay ko na siya sa canteen at siya yung naningit sa pila,anak ng siopao waley palaman 15 mins break naningit pa! wahaha


..maaari din siya yung lokong ginawang tungtungan yung bag ko kaya napaluhod ako, wa poise ako dahil sa sobrang dameng estudyanteng atat na atat umuwe di ko malaman kung my paa ba mga bahay nila at kailangan habulin o dahil sa cartoons sa tv na inaabangan.. ( eh bakit nga ba na-cut yung airing ng fushigi yuugi? BADTRIP NAMAN OH. ;')


..Pero syempre sigurado ako hindi siya yung crush ko.Hindi ikaw yung hawig ni Daniel Radcliffe na taga-Dost na pinag-pantasyahan kong malakas maka-nganga,ulam please? ;')


OO, Natulala ako, hindi dahil sa taglay nyang ka-gwapuhan, kundi dahil sa GUTOM. Utang na loob gutom na gutom ako at hindi ko alam kung saang lakas ng loob ko hinugot yung buksan ko yung burger at nasa akto na ako ng pag-kagat nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Bigla akong napatigil at napa-isip, may langaw bang nakapasok sa bibig ko?, one seat apart ba ang mga ngipin ko? hindi naman, ay alam ko na.. ngayon lang nakakita ng kumakaen ng burger?hiyang-hiya naman ako sa BURGER ;')


Ending?.. Hndi ko nakaen, pinabaon ko na lang sa kanya sa work, baka mas gutom sya.. Nightshift kasi duty niya, pag kulang sa tulog.bumawi sa pagkain.. baka mas gigil siya sa burger kaysa sa akin ;')

 Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin kung bakit hindi ko nakain yung burger, eh PEYBORIT ko yun..


Maaaring sa mga kadahilanang :


..nahihiya ako sa kanya baka ma-turn off sya sa paraan ng pagnguya ko.wa poise ;')


..oh dahil sa nasa moment ako na tumaas ung acid level ng sikmura ko at nangamba akong maisuka ko kinain ko sa mukha nya.


..oh dahil sa di ako maka-move on sapagkat sadyang maliit lang talga mundo.. akalain ko bang fetus pa lang kame eh mgkaibigan at magkakilala na pala mga magulang namen. Hansabe ng salitang DESTINY ? ;')



..oh dahil sa mas nangibabaw yung excitement at kilig dahil sa wakas matapos ang ilang buwang paglalaro ng pitik-bulag sa facebook. nakita ko na sya..


( background music : Magkita na tayo - kim chiu )


Si Bro talaga, pandesal lang nman hiniling ko,burger yung binigay may fries pang kasama ;') - damang-dama ko ung linya ni Toni Gonzaga ;')


at Bro pwede bang siya na? Pero Kung hindi, ..pwede bang siya na lang, gawan naten ng paraan yan para pasok sa banga ;')


Hindi ko makakalimutan yung gabi n yun,dahil iyon yung gabing nagliwanag ang puno ng mangga dahil sa christmas lights..ang lakas namen maka-FOREVERMORE that night ;')


Na-realized ko lang.. minsan yung tao palang nakalaan para sayo, nasa paligid lang, sadyang my mga pangyayaring TADHANA na ang kumikilos para magkalapit kayo.. 


Pero di porket sinabi kong nasa paligid lang eh pag-didiskitahan at pagpipilitan mo nang soulmate mo na yung super crush mo dahil pareho kayo ng peyborit movie na "serendipity ",malay mo crush nya din pala yung bidang lalaki. Naloko na,peram lipstick gurl? >;'))


Pag para sa'yo ang isang bagay.para sa'yo..pero mas bet ko toh..


"Ang sa akin ay para sa akin lamang.. at ang sa'yo ay akin pa din.." bakaw lang.Di ko na lang ni-lahat. ;'))



Hindi ko sya hinanap.Nagkataon lang na my isang di pang-karaniwang estrangherong napadpad sa account ko ( hindi siya si Eugene ng ghost fighter ) ang cute kasi ng profile pic nya.uma-anggulo..pero mas bet ko dp ko that time..


CLASSIC STYLE : side view sabay ngiting pang-asar with matching peace sign sa bandang noo, lupet diba ;')haha.



* May taong nakalaan para sa atin. " Lahat ng kaldero my nakalaang takip "..huwag mo lang hayaan nakatiwang-wang. Hindi man kasing bongga/wagas ng mga teleserye o pelikulang napapanuod naten ang mga eksena o mga karakter n gumaganap sa ating totoong buhay maniwala ka sa akin,ikaw at ikaw padin ang Bi-BIDA diyan..;')